^

Police Metro

Preso na may TB, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines- Dahil sa hindi makaya­nang sakit na tuberculosis o TB ay nagpasya ang isang bilanggo na magpa­tiwakal sa kanyang selda sa Pasay City Jail kamaka­lawa.

Kinilala ang biktimang si Maximo Layoso, 53, ng Block 7, Lot 11, Santol St., Barrio Santo Niño, Pasay City na nakulong sa kasong droga.

Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kapwa inmate ang biktima na nakabigti gamit ang sintas ng sapatos na ang dulo ay isinabit sa isang pako na nasa ibabaw ng kanyang higaan.

Nabatid na  noong Dis­yembre 2012 nakulong  si Layoso matapos madakip sa pagbebenta umano ng shabu.

Nagkaroon ng sakit na tuberculosis si Layoso sa loob ng bilangguan kaya’t kinailangan siyang dalhin sa infirmary cell na nasa ikatlong palapag ng PCJ kung saan nababantayan ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Bukod sa marka sa leeg, wala ng iba pang sugat na nakita sa iba pang parte ng katawan ng biktima.

Tumanggi ang mga kapatid ni Layoso na isa­ilalim pa sa otopsiya ang bangkay sa paniwalang winakasan talaga ng bik­tima ang kanyang buhay dahil hirap na hirap na sa paghinga sanhi ng tina­taglay na sakit.

 

vuukle comment

BARRIO SANTO NI

BATAY

LAYOSO

MAXIMO LAYOSO

PASAY CITY

PASAY CITY JAIL

SANTOL ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with