^

Police Metro

Lady trader dedo sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang lady trader habang kritikal naman ang kasamang lalaki makaraang ambusin at ratratin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Muntinlu­pa City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay naki­lalang si Maria Fe Bana­dera, residente ng Block 18 Lot 56 SPV Central, Phase 3 Molino, Bacoor, Cavite habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nitong lalaki na isinugod sa hindi binanggit na pagamutan.

Sinasabing lulan ang dalawa ng isang bagong Nissan Strada na may conduction sticker na BS 4537 dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon.

Ayon sa report, pagsa­pit sa Jasmin at Marigold Sts., sa Ruby Park, Victoria Homes, Barangay Tunasan, Muntinlupa City nang tambangan ng hindi nakilalang mga salarin ang dalawang biktima.

Niratrat ng bala ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima saka agad na nagsitakas sakay ng hindi naplakahang sasakyan.

Wala pang makuhang testigo ang mga awtoridad kaya nahihirapan tukuyin kung ilan ang mga salarin.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang 22 basyo ng kalibre 45 baril, pitong basyo ng 9mm, dalawang bala  ng kalibre 38 na magpapatunay na niratrat ng husto ang mga biktima upang matiyak ang kanilang kamatayan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng krimen, matukoy at madakip ang mga taong nasa likod ng pananambang sa mga biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY TUNASAN

MARIA FE BANA

MARIGOLD STS

MUNTINLUPA CITY

NISSAN STRADA

RUBY PARK

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

VICTORIA HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with