^

Police Metro

Nagkarga ng bala sa Kawit massacre, naharap sa patung-patong na kaso

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walong bilang na multiple murder at 11 bilang ng frustrated murder ang isinampa kahapon ng Philippine National Police (PNP) kay John Paul Lopez na sidekick ng nag-amok na adik na si Ronald Bae na walang habas na nagpaputok na ikinasawi ng 9 katao at pagkasugat ng 9 iba pa bago ito na­pas­lang sa Kawit, Cavite noong Biyernes.

Ayon sa mga saksi na si Lopez ang umano’y nag-reload ng bala ng cal. 45 pistol ng suspek na Bae na ginamit nito sa pamamaril sa mga biktima sa Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite.

Nabatid na bago ang insidente ay magkasamang nag-iinuman at gumamit pa ng shabu sina Bae at Lopez noong Huwebes ng magdamag at kinaumagahan ban­dang alas-9:30 ng umaga nang gawin ang pama­maril.

Sa panig naman ni Lopez, napilitan lamang umano siyang sundin si Bae na kargahan ng bala ang baril nito dahilan tinutukan siya ng baril.

Nakatakda ring imbi­tahan ng pulisya ang iba pang nakasama sa inuman nina Bae bago gi­nawa ang ‘shooting ram­page’.

Nakatakda namang igawad ng Cavite police ang P100,000 reward sa sibilyan na tu­mulong para mapasuko si Lopez.

 

 

vuukle comment

AYON

CAVITE

JOHN PAUL LOPEZ

KAWIT

LOPEZ

NAKATAKDA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RONALD BAE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with