^

PM Sports

Almazan binuhat ang Meralco sa panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Almazan binuhat ang Meralco sa panalo
Meralco's Raymond Almazan
PBA Images

MANILA, Philippines — Nilimitahan ng Meralco sa franchise-lowest na iskor ang Magnolia, 74-51, sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Hindi pinaporma ng Bolts ang Hoshots sa first half palang nang pagkasyahin lang ito sa 21 puntos tungo sa kumbinsidong tagumpay para sa 5-5 kartada.

Mula sa ibaba ng stan­dings, biglang angat nga­yon sa ikaanim na puwesto ang Bolts katabla ang Rain or Shine at Terrafirma.

Hawak na nila ang sari­ling kapalaran sa playoffs basta’t manalo sa huling laban kontra sa unbeaten na San Miguel Beer (8-0).

Naglista ng muntikang triple-double na 12 puntos, 11 rebounds at 7 assists sahog pa ang 2 tapal si Raymond Almazan habang tumapos naman si Chris Newsome 12 puntos para sa Bolts.

Nag-ambag din ng 11 at 10 puntos sina Chris Banchero at Brandon Bates, ayon sa pagkakasunod, para sa Meralco hindi nagpaiskor ng lagpas 60 puntos kontra sa kanilang karibal sa unang pagkakataon sa kanilang franchise history.

Matapos maging u­nang biktima ng Converge noong nakaraang linggo, lintik ang naging ganti ng Bolts nang daigin ang Phoenix at Magnolia para sa krusyal na two-game winning streak.

Nagawa nila ito nang kumaripas agad sa 35-21 abante sa halftime at hindi na muling lumingon pa nang mabaldog ang halos lahat ng tira ng Hotshots para sa pinakababa nitong iskor sa kasaysayan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with