^

PM Sports

Big reversal?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Isa sa iniwang tatak ng Powerade Tigers team sa PBA ang kanilang great run bilang eighth seed sa 2011-12 PBA Philippine Cup playoffs.

Yumabong ang pangalan ni Gary David nang pangunahan ang Tigers sa Cinderella run na umabot hanggang finals.

Kasama rin ang mga noon ay uhugin pang sina Marcio Lassiter, Sean Anthony, JV Casio, Doug Kramer at Romel Adducul sa ratsadang nagsimula sa kanilang paggiba sa top seed B-Meg sa quarterfinals.

Twice to beat si James Yap at mga teammates, pe­ro dalawang sunod ginulantang ng Powerade.

Pagkatapos, itinuloy ng Powerade ang ratsada sa matibay na laban kontra Rain or Shine sa semifinals, bago tumukod at dumapa kontra Talk N Text sa finals.

Malaking ingay ang nagawa ng kanilang upset kontra B-Meg. Una nilang iniskor ang 97-88 panalo at pagkatapos ang 131-123 overtime win sa rubber match.

Bumalik sa isipan ang upset na ito dahil nakalinya ngayon ang Terrafirma na mahugot ang kaparehong bagay kontra San Miguel Beer.

Nadala ng mga Dyip ang Beermen sa rubber match pagkatapos ng 106-95 win noong Sabado sa Rizal Memorial Coliseum.

Mas malaking upset ang maitatala kung makaisa pa sina Stephen Holt, Juami Tiongson at mga teammates kina June Mar Fajardo, CJ Perez, Terrence Ro­meo, Don Trollano, Jericho Cruz, Chris Ross at Mo­ala Tautuaa.

Napatibay ni Holt at ng kanyang leadership at all-around game ang Terrafirma Dyip.

Nagbabadya ang disaster sa Beermen.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with