2-1 lead kinuha ng Mavs sa Thunder
DALLAS — Humakot si Luka Doncic ng 22 points at 15 rebounds para tulungan muli ang Mavericks sa 105-101 panalo sa Oklahoma City Thunder sa Game Three at kunin ang 2-1 lead sa Western Conference semifinals series.
Kumamada si P.J. Washington Jr. ng 27 markers, habang naglista si Kyrie Irving ng 22 points para sa ikalawang sunod na ratsada ng Dallas sa semifinals.
Bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points, 10 rebounds at 4 blocks sa pagbandera sa Oklahoma City.
Ang apat na sunod na free throws ni rookie center Dereck Lively II ang nagbigay sa Mavericks ng 100-95 abante sa huling 3:06 minuto sa fourth period.
Isinalpak ni Irving ang isang runner na nag-iwan sa Thunder sa 104-99 sa huling 39 segundo.
Sa Cleveland, bumira si Jayson Tatum ng 33 points para ihatid ang Boston Celtics sa 106-93 paggiba sa Cavaliers at agawin ang 2-1 lead sa Eastern Conference semifinals series.
Nagdagdag si Jaylen Brown ng 28 markers para sa pagbangon ng Boston mula sa naunang kabiguan sa Cleveland.
- Latest