^

PM Sports

Malonzo absent muna sa Gilas Pilipinas dahil sa injury

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na muna makalaro si Gilas Pilipinas standout Jamie Malonzo matapos duma­an sa operasyon.

Sasailalim si Malon­zo ng anim hanggang wa­long linggong rehabilitas­yon upang makarekober sa kaniyang operasyon.

Kaya naman posibleng hindi ito makasama ng Gilas Pilipinas sa oras na sumalang ito sa trai­ning camp sa Hunyo 22 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Paghahandaan ng Gi­las Pilipinas ang partisi­pasyon nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo na idaraos sa Riga, Latvia.

Ito ang magiging daan para makapasok sa 2024 Paris Olympics.

Nagtamo si Malonzo ng calf muscle injury sa kasagsagan ng kampanya ng Barangay Ginebra sa eliminasyon ng PBA Phi­lippine Cup.

Malaking kawalan si Malonzo sa Gilas.

Sa Gilas Pilipinas stint nito ay nagtala si Malonzo ng mga averages na 6.5 points at 1.9 rebounds sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, FIBA World Cup at FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Wala pang linaw kung makarerekober agad ito si Malonzo bago magsimula ang training camp ng Gi­las.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with