^

PM Sports

Prime Factor pasiklab sa liyamadista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pabida sa mga liyamadista ang Prime Factor matapos sikwatin ang panalo sa Philracom Special In­vitational Race na inilarga sa Metro Turf, Malvarsa Tanauan City, Batangas noong Linggo.

Kumaripas agad sa unahan ang Prime Factor paglabas ng aparato, habang sinundan naman ng Perfect Delight at Platinum Frolic.

Subalit sa kalagitnaan ng karera ay mag-isa na lamang sa unahan ang Prime Factor na sinakyan ni Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.

Bentahe ng Prime Factor ang dalawang kabayong agwat sa Perfect Delight, habang nasa tersero puwesto ang Platinum Frolic.

Pagsapit ng far turn ay nasa dalawa’t kalahating kabayo na ang kalamangan ng Prime Factor sa rume­remateng Pharoahs Treasure.

Subalit hindi na ito pinadikit ni Hernadez at inilayo pa ang Prime factor sa huling kurbada upang manatili sa unahan sa rektahan.

Tinawid ng Prime Factor ang meta na may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang Perfect Delight, pangatlo ang Pharoahs Treasure, habang pang-apat ang Platinum Frolic.

Inilista ng Prime Factor ang tiyempong 1:38.8 mi­nuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng may-aring si Felizardo Sevilla ang P180,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Nakopo ng Perfect Delight ang P67,500, samantalang may P37,500 at P15,000 ang third placer na Pharoahs Treasure at fourth placer na Platinum Frolic, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with