^

PM Sports

Chiba Jets kampeon sa EASL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

LAPU-LAPU CITY, Philippines — Dinagit ng Chiba Jets ang Seoul SK Knights sa pambihirang finale, 72-69, upang maghari sa East Asia Super League (EASL) 2023-2024 Season kamakalawa ng gabi dito sa Hoops Dome.

Kumamada ng 24 puntos sa apat na tres kabilang na ang pitong assists si Yuki Togashi upang banderahan ang perfect championship run sa walong laro ng Jets, na naging crowd favorite ng Filipino fans.

Tinanghal na Final Four MVP si Togashi matapos mag-rehistro ng 26.0 puntos, 6.0 assists at limang tres sa dalawang laro sa Cebu tampok din ang 92-84 panalo ng Chiba kontra sa New Taipei Kings sa semifinals.

Sa finals, nakakuha ng solidong kontribusyon si Togashi mula kay John Mooney na humakot ng 16 puntos at 16 rebounds sahog pa ang 6 assists, 2 tapal at 1 steal habang may 12 puntos din si Ira Brown.

“We banked on our defense and Yuki just took over in the end. That’s been the story of our season so far. We could not be prouder and we’re glad to do it in Cebu. It’s hot and loud and that’s how basketball is played,” ani coach John Patrick.

Dikdikan ang Chiba at Seoul sa buong laro at walang nakaalagwa hanggang sa mauwi ito sa one-point game sa huling 14 segundo, kung saan ibinuslo ni Togashi sa likod ng “MVP” chants mula sa mga Cebuanos ang pambaong freethrows.

Sablay ang panabla sanang tres ni Jameel Warney, top scorer sa buong EASL tournament, tungo sa kampeonato ng Chiba sa unang home-and-away format nito tampok ang walong koponan kasama ang PBA teams matapos magwagi ang Anyang sa Champions Week noong nakaraang taon sa Japan.

Samantala, naiuwi nina Rhenz Abando at ng An­yang ang bronze medal matapos ang 78-76 panalo kontra sa New Taipei.

vuukle comment

EAST ASIA SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with