^

PM Sports

Kurashiki kampeon sa PVL Invitationals

Chris Co - Pang-masa
Kurashiki kampeon sa PVL Invitationals
Nagdiwang ang Kurashiki Ablaze ng Japan matapos hubaran ng korona ang Creamline Cool Smashers sa Finals ng PVL Invitationals.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Nailusot ng Kurashiki Ablaze ang pukpukang 19-25, 25-23, 25-19, 20-25, 15-13 panalo laban sa Creamline upang maibulsa ang korona ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kumuha ng lakas ang Japanese squad kay outside hitter Asaka Tamaru na nagpakawala ng matatalim na atake para pamunuan ang kanilang tropa sa panalo.

Nakumpleto ng Kurashiki ang matamis na 6-0 sweep sa torneo matapos walisin ang lahat ng limang laro nito sa semifinal round.

Bigo ang Cool Sma­shers na madepensahan ang titulo upang magkasya lamang sa runner-up trophy.

Kinapos ang Creamline sa huling sandali ng laro matapos umarangkada ng husto ang Japanese squad.

Samantala, pinatumba ng Cignal ang F2 Logistics sa bendis­yon ng 25-22, 23-25, 25-20, 25-18 pa­nalo upang masungkit ang bronze me­dal.

Naging matikas na sandalan ng HD Spikers sina outside hitter Ces Molina at opposite spiker Jovelyn Gonzaga katuwang si playmaker Angel Cayuna para makuha ang panalo.

Pumalo si Molina ng 19 puntos mula sa 17 attacks, isang block at isang ace habang kumana naman si Gonzaga ng 12 hits, apat na blocks at dalawang aces.

Nagdagdag naman si middle blocker Roselyn Doria ng 10 puntos samantalang may anim na nagawa si team captain Rachel Anne Daquis para sa HD Spikers.

Lamang ang HD Spi­kers sa attacks tangan ang 59 kills laban sa 46 ng Cargo Movers.

Nakakuha pa ang Cignal ng walong kabuuang aces kumpara sa tatlo ng F2 Logistics.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with