^

PM Sports

Doncic, Irving binuhat ang Mavs sa 3-0 lead

Pang-masa

DALLAS — Bumanat sina Luka Doncic at Kyrie Irving ng tig-33 points para gabayan ang Mavericks sa 116-107 paggupo sa Minnesota Timberwolves sa Game Three at iposte ang 3-0 lead sa Western Conference finals.

Ito ang pang-limang sunod na playoff victory ng Dallas at ikatlo laban sa Minnesota.

Wala pang koponan sa NBA playoff history na nakabangon mula sa 0-3 deficit.

“Don’t even say it,” sabi ni Doncic na hangad ang una niyang NBA Finals trip. “But it feels great. But we’ve got to think about next game. Gotta play with the same menta­lity. They’re not going to go away. No way.”

Pipilitin ng Mavs na walisin ang Timberwolves sa Game Four bukas.

Umiskor si P.J. Wa­ß´shington Jr. ng 16 points tampok ang tiebreaking corner 3-pointer sa huling 3:38 minuto ng fourth period.

Ang basket ni Doncic ang nagbigay sa Dallas ng four-point lead kasunod ang tirada ni Irving at alley-oop dunk ni Daniel Gafford para sa kanilang 113-105 abante sa huling 34 segundo.

Pinamunuan ni Anthony Edwards ang Minnesota sa kanyang 26 points.

vuukle comment

KYRIE IRVING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with