^

PM Sports

3YO Locally Bred race kasado na

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasisibatin ang 2024 PHILRACOM “3-Year-Old Locally Bred Stakes Race” sa Hunyo 16 na gaganapin sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Paniguradong mahigpit ang magiging bakbakan ng mga lalahok na kabayo, ito’y dahil nakalaan ang P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta depende kung ilan ang makikipagpaligsahan ng bilis.

Makapag-uuwi din ang breeder ng mananalong kabayo hanggang pangatlo kaya inaasahang pagha­handaan ito ng todo upang makamit ang inaasam na premyo.

Posibleng sa susunod na linggo ilalabas ng Phi­lippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang line up, ayon sa insider ng PM Pang Masa, marami na rin ang nagsaad ng pagsali,

Noong Mayo 27 ang nomination at declaration habang sa Hunyo 13 ang drawing of lots.

Magbabayad ng P2,500 na fee sa nomination habang P5,000 ang fee sa declaration.

Samantala, bukod sa nabanggit na malaking karera, pakakawalan din ng Metro Manila Turf Club Inc. ang 2nd Leg Triple Crown at Hopeful Stakes races.

Tiyak na pito hanggang siyam na races ang magagawa sa araw ng laban kaya magiging masaya ang mga karerista.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with