^

PM Sports

Prettiest Star kuminang sa Condition Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Prettiest Star noong Miyerkules ng gabi sa Condition Race (19) na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangs.

Sinungkit ng winning horse owner na si MT Floirendo ang added prize na P10,000 sa pagkakapanalo ng Prettiest Star matapos irehistro ang tiyempong 1:11.6 minuto sa pinaglabanang 1,200 meter race.

Komento ng mga karerista sa social media, maganda ang pagkakadala ni jockey Andreu Villegas sa Prettiest Star kaya nasikwat ang inaasam na panalo.

Kahit malakas ang dating ng nasegundong Golden Sunrise sa rektahan ay na­gawa pa ring itawid ni Villegas na una sa meta ang Prettiest Star at manalo ng may kalahating kabayo ang agwat sa pumangalawang Gooldenn Sunrise.

Umarangkada sa unahan ang Biglang Buhos paglabas ng aparato at hinayaan lang ni Villegas at isinunod lang ang Prettiest Star.

“Hinayaan lang ni Villegas na mauna ang Biglang Buhos kaya nakapagpahinga nang matagal ang Prettiest Star,” saad ni Bong Bonito, isang beteranong karerista.

Tumersero ang Critical Moments habang pumang-apat ang Silab sa event na suportado ng Phiilippine Racing Commission (PHILRACOM).

 

vuukle comment

CONDITION RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with