^

PM Sports

4 teams agawan sa krusyal na panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agawan sa huling dalawang tiket sa semifinals ang apat na natitirang koponan sa knockout matches ng 2024 PBA Philippine Cup playoffs ngayon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Iiwas sa bigating upset ang reigning champion at No. 1 na San Miguel Beer kontra sa palabang No. 8 seed na Terrafirma sa alas-4:30 ng hapon bago ang laglagan ng No. 4 na Talk ‘N Text at No. 5 na Rain or Shine sa alas-7:30 ng gabi.

Pinakamababa man ang ranggo sa playoffs, hindi nagpasindak ang Dyip nang silatin ang twice-to-beat Beermen sa Game 1, 106-95, upang makapuwersa ng knockout game.

Ganito rin ang nahirit ng Elasto Painters na u­nang tumaob sa Game 1 ng kanilang best-of-three series, 116-99, bago bawian ang Tropang Giga sa Game 2, 121-113.

Sinumang lulusot sa apat na teams ay siya ring maghaharap sa semifinals na lalarga na agad ngayong linggo.

Nakauna na sa Final Four ang No. 2 na Barangay Ginebra at No. 3 na Meralco upang maikasa ang sarili nilang serye bilang panibagong kabanata ng kanilang karibalan.

Kumpara sa SMB na bigong masulit ang win-once bonus, nakaabante agad ang Gin Kings nang sibakin ang Magnolia sa isang subok lang matapos ang madaling 99-77 na panalo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with