^

PM Sports

Baste wagi sa Perpetual

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumapit ng husto ang San Sebastian Colle­ge-Recoletos sa huling san­dali ng laro upang ma­igupo nito ang Univer­sity of Perpetual Help Sys­tem Dalta, 24-26, 26-28, 25-20, 25-20, 17-15, ka­hapon sa National Colle­giate Athletic Association Season 97 women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Ang panalo ang nagdala sa San Sebastian sa No. 2 spot kasama ang de­fending champion Arellano University tangan ang parehong 4-1 marka.

Kumuha ng lakas ang Baste kay Reyann Ca­ñete na nagpasabog ng 25 puntos para pamunuan ang opensa ng kanilang tropa.

Umarangkada rin si Katherine Santos na pu­malo ng 18 puntos habang naglista naman sina Kristine Dionisio, Kamil­le Tan at Bianca Ordona ng tig-10 puntos.

Nakagawa si Alexia Si­son ng 20 excellent sets habang naglista naman si libero Jewelle Bermillo ng 14 digs at 14 receptions sa larong tumagal ng dalawang oras at 21 minuto.

Nanguna para sa Lady Altas si Rose Dapol na bumanat ng 18 puntos habang nagdagdag naman si Razel Aldea ng 14 hits.

Hindi rin napakina­ba­ngan ang 11 puntos at 11 digs ni Charmaine Ocado gayundin ang 10 points ni Hannah Suico para sa Perpetual Help.

Laglag ang Lady Al­tas sa No. 5 spot bitbit ang 2-3 baraha.

Magpapatuloy ang bak­­ba­kan sa Martes kung saan magtutuos ang lider na CSB at Mapua University sa alas-12 ng tanghali gayundin ang Arellano at Letran sa alas-2:30 ng hapon.

 

 

vuukle comment

PERPETUAL HELP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with