^

PM Sports

F2 Logistics title contender sa PVL

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinakahuling umentra ang F2 Logistics sa Premier Volleyball League (PVL) ngunit itinuturing na agad itong title contender sa Open Conference na target simulan sa Mayo 8 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Magiging armas ng Cargo Movers ang malalim nitong karanasan at ang limang kampeonatong na-panalunan nito sa Philippine Superliga (PSL) upang makipagpasabayan sa top teams ng PVL na pina­ngungunahan ng mga regular teams na Creamline Cool Smashers, PetroGazz Angels, Perlas Spikers at Choco Mucho Flying Titans.

Inaabangan na ang salpukan ng dalawang kampeon-- ang Cool Smashers na kasalukuyang hawak ang korona ng PVL Open Conference at ng Cargo Movers-- ang reigning All-Filipino Conference champions sa PSL.

Para kay F2 Logistics team captain Aby Maraño, magandang pagkakataon ang pagsasama-sama ng malalakas na koponan sa PVL upang magkaroon ng direksiyon ang pagbuo ng national team.

 “This is really good for Philippine volleyball in general with all the teams in one league. Ma-laking bagay siya dahil alam naman natin ‘yung impact nito sa Philippine volleyball,” ani Maraño sa programang The Game.

Karaniwan nang problema ang pagbuo sa national team dahil sa magkaibang ligang nilalaruan ng mga players.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with