^

PM Sports

May maaasahan ang Blackwater

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagpaparada sa isang bata at athletic import sa katauhan ni Malcolm Rhett, kumpiyansa si Blackwater coach Leo Isaac na marami silang pahihirapang koponan para sa darating na PBA Commissioner’s Cup.

Nanggaling ang 6-foot-9 na si Rhett sa impresibong paglalaro sa Latvian league kung saan ang isang koponan ay pinapayagang kumuha ng limang imports.

Nagulat ang 240-pound na dating University of Mississippi player nang malaman na dalawang beses lamang siyang maglalaro sa isang linggo sa PBA.

“I’m happy with his attitude but I warned him to be ready since he will play at least 40 minutes per game. And when I said that to him, he told me ‘he’s ready.’ For me that’s a sign of a good player,” wika ni Isaac.

Bagama’t 23-anyos lamang at maaaring maging pinakabatang import na maglalaro sa liga, solido na ang isip at katawan ni Rhett.

Ang naging pinakamaganda niyang laro sa NCAA para sa Rebels ay laban sa Brigham Young University kung saan siya nagtala ng 20 points mula sa 9-of-11 shooting.

Naglista siya ng 8-of-9 shooting para sa kanyang 18 points kontra sa Vanderbilt at kumamada ng 16 markers laban sa Arkansas.

Sa kabuuan ng kanyang college years ay nagtala siya ng kabuuang 110-of-192 shots para kilalanin bilang batang Chris Bosh ng Miami Heat.

Sa Blackwater’s tune-up match laban sa Far Eastern University ay pina-hanga ni Rhett sina team owner Dioceldo Sy, broadcaster Chino Trinidad at dating top La Salle player at ngayon ay San Juan Vice Mayor Francis Zamora.

“Judging his game and attitude, Malcolm could be the right man for the team, the right prescription to our team,” sabi ni Sy.

Matapos ang nakakadismayang ipinakita sa kanilang Philippine Cup debut, nagtala ang Blackwater ng tatlong panalo sa kanilang 11 games sa sumunod na torneo tampok ang 80-77 paggupo sa San Miguel Beer.

Sa likod nina Carlo Lastimosa, Art dela Cruz at veteran playmaker Mike Cortez, nakapasok ang Blackwater sa quarterfinals ng kasalukuyang Philippine Cup.

Sa pamamagitan ng Chris Bosh-like performance ni Rhett, inaasahan ng Blackwater na maganda ang kanilang pagtatapos.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRIGHAM YOUNG UNIVERSITY

CARLO LASTIMOSA

CHINO TRINIDAD

CHRIS BOSH

DIOCELDO SY

FAR EASTERN UNIVERSITY

LA SALLE

PHILIPPINE CUP

RHETT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with