^

PM Sports

Mga 2YO kabayo bida ngayong Agosto

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aani ng atensyon ang mga kabayong edad da-lawang taong gulang sa pagsisimula ng Philracom Juvenile Fillies/Colts Stakes sa buwang ito.

Sa Metro Turf sa Malvar, Batangas gagawin ang first leg ng serye ng karera para sa juvenile horses at ito ay ilalarga sa Agosto 30.

Ang distansyang paglalabanan ay  sa 1,000-metro  at sinahugan ito ng nagpapakarerang Philippine Racing Commission (Philracom) ng P1 milyong gantimpala.

Halagang P600,000.00 ang kakabigin ng mananalong kabayo para sa kanyang horse owner at ang handicap weight ay 52-kilogram sa mga filly at 54-kilogram sa mga colts.

Ang karerang ito ang ikalawang stakes race na gagawin sa Metro Turf sa buwan ng Agosto.

Ang una ay ang 5th leg Imported/Local Challenge na gagawin sa Agosto 23 sa mahabang 2,000-metro distansya.

Bukas ito sa mga kabayong edad tatlong taon pataas at ang mananalo ay magkakamit ng P300,000.00 gantimpala mula sa P500,000 premyo.

Samantala, ang Bagatsing Cup ay lalarga sa susunod na Linggo sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Tulad sa nakagawian, dalawang malalaking karera ang matutunghayan at ang kabuuang premyo ay nasa P1.2 milyon.

vuukle comment

AANI

AGOSTO

ANG

BAGATSING CUP

COLTS STAKES

LOCAL CHALLENGE

METRO TURF

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM JUVENILE FILLIES

SA METRO TURF

SAN LAZARO LEISURE PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with