^

PM Sports

Hello Kaetee gustong bumawi; Jade and Diamond ayaw paawat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tapusin ang dalawang sunod na pangalawang puwestong pagtatapos ang nais ng Hello Kaetee habang dugtungan ang pagpapanalo ang hanap ng Jade And Diamond sa pagtakbo ng mga kabayong ito ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Walong karera ang paglalabanan sa pangalawa at huling gabi ng pista sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) at si CV Garganta ang didiskarte sa Hello Kaetee na ibinalik din sa pagtakbo matapos ang dalawang buwang pahinga noong Mayo10 at tuma-pos sa pangalawang puwesto.

Mapapalaban ang nasabing tambalan dahil full gate ang karera para sa 3YO Maiden A-B-C at inilagay sa 1,300-metro distansya.

Ang Escopeta  na sakay ngayon ni JB Cordova at papasok mula sa pangatlong puwesto sa pagtatapos noong Mayo 5 ang maaaring maging karibal ng Hello Kaetee bukod pa sa mga matutulin ding Hall And Oates, YYY Delayla at Appendectomy.

Pangatlong panalo sa buwan ng Mayo ang balak dambahin ng Jade And Diamond sa pagdiskarte ni JB Guerra sa 1,200-metro class division-1B race.

Ang Windy Wind na nanalo sa ganitong distansya noong Mayo 10 ang siyang magbibigay hamon sa Jade And Diamond kahit sakay si Dominador Borbe Jr. habang palaban din ang Swim, Event ni Jessie Guce.

Tiyak din na masisiyahan ang bayang karerista sa ibang races dahil maraming kabayo ang magsusukatan na binalanse ng magandang handicapping para lahat ay may tsansang manalo.

Ang karera na may pinakakaunting lahok ay sa race eight na bibilang lamang ng siyam na kabayo. (AT)

 

vuukle comment

ANG ESCOPETA

ANG WINDY WIND

DOMINADOR BORBE JR.

HALL AND OATES

HELLO KAETEE

JADE AND DIAMOND

JESSIE GUCE

MAIDEN A-B-C

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with