^

PM Sports

Fly Like An Eagle dumagit ng panalo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumagit ng panalo ang kabayong Fly Like An Eagle sa 4YO Maiden Division, habang kuminang ang Rob The Bouncer sa 3YO Maiden division na nangyari noong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Ca­vite.

Ito ang ikalawang araw ng pista sa Bagong Ta­on na ginawa sa  bakuran ng Manila Jockey Club Inc. at ang panalo ng da­lawang kabayong ito ay nag­bigay-daan din para mai­bigay sa kanilang connections ang added prize na P10,000,00 na handog ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Si RC Tanagon ang su­makay sa Fly Like An Eagle at nakita ang itina­ta­gong bilis ng kabayo ma­tapos ang bandera-tapos na panalo sa 1,300-metro dis­tansyang karera.

Third choice ang na­nalong kabayo sa Sweet Music, ngunit ang kaba­yong diniskartehan ni NK Ca­lingasan ay bumuka sa unang kurbada na nakaapekto sa kanilang diskarta.

Ang Sayonara ni CM Pi­lapil at second choice sa bentahan sa hanay ng li­mang kabayo na naglaban ang siyang kumuha sa ika­lawang puwesto para ma­dehado ang mga dibidendo na ipinamahagi.

Nasa P17.50 ang win, habang umabot sa P48.00 ang ibinigay sa 1-4 forecast.

Hinagip ng Rob The Bouncer ang unang pana­lo bilang isang 3-year old horse nang mahusay na nasilip si CJ Reyes at makipot na daanan sa balya at makumpleto ang pagbangon.

Mainitang nagbabakbakan ang Elusive Ride at Masskara sa unang 100-metro sa 1,300-m ka­rera nang sumulpot ang Rob The Bouncer at gi­namit ang balya upang ma­kuha pa ang panalo sa Elusive Ride.

May P10.00 ang panalo ng second choice na Rob The Bouncer, habang P46.50 ang ipinamahagi ng 4-6 forecast.

vuukle comment

ANG SAYONARA

BAGONG TA

ELUSIVE RIDE

FLY LIKE AN EAGLE

MAIDEN DIVISION

MANILA JOCKEY CLUB INC

PHILIPPINE RACING COMMISSION

ROB THE BOUNCER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with