^

PM Sports

Terrafirma nagbaon ng panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swabeng panapos na biyahe ang ipinamalas ng Terrafirma matapos tambakan ang Titan Ultra, 149-117 sa duwelo ng sibak nang koponan sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Kumaripas sa 47-26 bentahe ang Dyip at hindi na prumeno pa tungo sa pambihirang 32-puntos na tagumpay at 5-7 kartada sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Group A.

Kumolekta ng 30 puntos sa 6 na tres sahog pa ang 4 assists at 2 steals si Juami Tiongson sa 21 minutong aksyon lang upang giyahan ang mga bataan ni coach Ronald Tubid.

Nakatulong niya si Maverick Ahanmisi na may triple-double na 18 puntos, 10 rebounds at 14 assists sahog pa ang 2 steals.

Nag-ambag din ng 12 puntos at 12 rebounds na double-double si Justin Strings.

Balanse ang atake ng Terrafirma tampok din ang tig-9 puntos nina Chris Miller at Paul Garcia.

“Laban naman kami sa ibang games so ‘yun ang dapat naming balikan, ‘yung mga sayang na games. Pero wala, you can’t control that, tapos na ‘yun eh so next season, we’ll start preparing early para mabuo pa lalo ‘yung chemistry,” ani Tubid.

Nasayang ang 26 at 24 puntos nina Von Pessumal at Tirrell Brown, ayon sa pagkakasunod, para sa Giant Risers na nagtapos sa 2-10 kartada.

TERRAFIRMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with