^

PM Sports

Fighting Maroons kinalos Red Warriors

Elech Dawa - Pang-masa
Fighting Maroons kinalos Red Warriors
James Payosing orchestrates the offense for the Fighting Maroons.
UCAL

MANILA, Philippines — Kinahon ng University of the Philippines ang pa­ngatlong sunod na panalo matapos nilang hiyain ang University of the East 91-81 sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial sa España, Manila kahapon.

Kinapitan ng Fighting Maroons ang mainit na opensa ni James Payo­sing para irehistro ang 5-2 karta at hawakan ang solo top spot sa team standings.

Tumikada si Payosing ng impresibong double-double na 16 points at 12 rebounds para sa UP na binaon ang UE sa ilalim ng team standings pasan ang 0-7 record.

Nakaiwas ang UP sa posibleng paninilat ng UE matapos maiwanan sa u­nang dalawang quarters.

Samantala, ginarote ng University of Sto. Tomas ang Ateneo de Manila University, 80-68 upang sakmalin ang pangalawang sunod na panalo at upuan ang solo fourth place sa team standings.

Matapos ang dikitang labanan sa halftime kung saan ay dalawang puntos lang ang abante ng Grow­ling Tigers ay biglang lumiyab ang kanilang opensa kaya hinawakan ng Espana-based squad ang 21- point lead, 63-42 sa pagtapos ng third period.

UAAP

UST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with