^

PM Sports

PLDT-MyDSL 3rd place sa PSL Grand Prix

AT - Pang-masa

Laro SA SABADO

(Ynares Sports Arena,

 Pasig City)

11:30 am --- PLDT-My DSL

 vs Systema (men’s finals)

1:30 pm --- TMS-Army

 vs Cignal (women’s finals)

 

MANILA, Philippines - Gumana uli ang mga laro ng American imports na sina Kaylee Manns at Savannah Noyes habang gumanda rin ang ipinakita ng mga locals para kunin ng PLDT MyDSL ang ikatlong puwesto sa Philippine Super Liga Grand Prix women’s volleyball sa 25-17, 25-21, 25-23 panalo sa Cagayan Valley kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sina Kaylee Manns at Savannah Noyes ay may tig-14 hits pero malaking papel din ang ginawa ng mga locals na sina Sue Roces, Maruja Banaticla at Pau Soriano lalo na sa second set na kung saan sila ang nagtrabaho para bigyan ang koponan ng 2-0 kalamangan.

Ang pangatlong puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Core na may basbas pa ng International Volleyball Federation  at may ayuda ng Mikasa, Asics, LGR, Jinling Sports at Solar Sports ay pumawi sa kabiguan ng Speed Boosters na pumasok sa finals kahit winalis ang limang laro sa classification round.

Sina Wanida Kotruang at Angeli Tabaquero ay mayroong tig-11  hits para sa Lady Rising Suns na hindi nahigitan ang pang-apat na puwesto na inangkin din sa Invitational Conference.

Ang Petron ang umangkin sa ikalimang puwesto matapos makumpleto ang pagbangon mula sa 1-2 iskor sa 25-13, 20-25, 22-25, 25-22, 15-11 panalo sa kinapos na RC Cola.

Gumawa ng confe-rence-high na 36 puntos si Hinako Tanaka at walo sa kanyang 27 kills ang ibi-nigay sa deciding fifth set para mapangatawanan din ang pagiging paborito.

 

vuukle comment

ANG PETRON

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN VALLEY

HINAKO TANAKA

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

INVITATIONAL CONFERENCE

JINLING SPORTS

PASIG CITY

SAVANNAH NOYES

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with