^

PM Sports

Matang Tubig wagi sa 1st leg

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakita ang husay ng Matang Tubig na sakay jockey CV Garganta nang kunin ang 2013 Philracom 1st Leg Juvenile Colts Stakes race noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Wire-to-wire ang naitalang panalo ng tambalan at sa huling 75 metro sa 1,000-meter sprint race tulu­yang bu­muhos ang Matang Tubig para iwanan ang apat pang nakalaban sa tampok na karera para sa mga edad da­lawang taong kabayong colts.

Ang Proud Papa at High Grader ang naunang naka­sabayan ng Matang Tubig pero pagpasok sa huling kur­bada ay ang High Grader na sakay si Val Dilema ang naghahabol, habang rumeremate ang Young Turk na nanalo sa PCSO Special Maiden Race.

Ngunit may lakas pa ang Matang Tubig upang ma­i­santabi ang lakas ng High Grader  bago pumasok sa me­ta ang Young Turk na ginabayan ni Jessie Guce.

Halagang P300,000.00 ang napasakamay ng connections ng Matang Tubig.

Nakontento sa P112,500.00 ang High Grader, habang P62,500.00 ang naibulsa ng may-ari ng Young Turk na dati ay ginagabayan ni Jonathan Hernandez.

Ang Proud Papa ang pumang-apat para iuwi ang P25,000.00 premyo.

Dehado ang nanalong kabayo para magpasok ng P41.00 sa win, habang P130.00 ang dibidendo sa forecast na 3-2.

Ang pinakadehadong ka­bayo na kuminang sa ba­­kuran ng Philippine Ra­cing Club Inc. (PRCI) ay ang kabayong Gogo­snakegosnakego sa class di­vision 1B na race four.

Si JE Apellido ang hi­nete ng kabayong pag-aari ni Bienmvenido Niles Jr. na tumulin pagsapit sa rekta para talunin ang na­unang nagdikta ng pacing na Kashmira

Nakabawi ang Gogo­snakegosnakego sa hindi ma­gandang ipinakita sa na­unang tatlong takbo sa bu­wan ng Hulyo at nagpasok ng P83.50 sa win.

Mas magandang P260.00 ang dibidendo sa 4-5 forecast.

Lumabas bilang pi­na­ka­liyamadong kabayo ay ang Nur­ture Nature at Bringer Of Rain sa races two at eight.

Pumangatlo sa ikatlo at huling yugto ng Philracom Hopeful Stakes race, tinalo ng Nurture Natu­re  ang Laguna sa 3YO Handicap Race.

vuukle comment

ANG PROUD PAPA

BIENMVENIDO NILES JR.

BRINGER OF RAIN

CLUB INC

HANDICAP RACE

HIGH GRADER

MATANG TUBIG

SHY

YOUNG TURK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with