^

PM Sports

No. 1 berth sa playoffs itinagay ng Beermen

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang su­werte ng San Miguel Beer nang lagukin ang ika-13 su­nod na panalo sa pamamagitan ng 70-66 paggupo sa Indonesia Warriors sa ASEAN Basket­ball League kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig Ci­ty.

Lumamang ng hanggang 17 puntos sa first half, 40-23, kinailangan ng Beermen ang dalawang free throws ni Asi Tau­lava sa huling 10 segundo para maigupo ang Warriors.

Sa 16-3 karta, selyado na ng tropa ni coach Leo Austria ang No. 1 seat at homecourt advantage sa kabuuan ng playoffs.

May 12 puntos si Taulava sa ilalim tig-15 na ginawa nina Brian Williams at Val Acuña.

Sa first half ibinuhos ni Acuña ang lahat ng puntos na nagmula sa 3-point line para agad na nakalayo ang home team.

Kampante sa ipinos­teng 13 puntos, 65-52, sa kalagitnaan ng huling yugto, nag-init si Jerick Cañada at nagbagsak ng tatlong tres sa 14-2 palitan para ilapat ang nagdedepensang kampeon sa 66-67 agwat.

Napilitan si import Steve Tho­mas na bigyan ng foul si Taulava na madaling hinarap ang pressure sa pagsalpak sa dalawang free throw.

Ikaanim na pagkatalo sa 19 laro ang nangyari sa Warriors na ibinandera ni Thomas sa kanyang 18 puntos at 15 boards.

vuukle comment

ASI TAU

BRIAN WILLIAMS

INDONESIA WARRIORS

JERICK CA

LEO AUSTRIA

PASIG CI

SAN MIGUEL BEER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with