^

PM Sports

Michael Jordan nagpakasal uli

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ma-engage noong December 2011, pinakasalan ng 50-gulang na si Jordan ang kanyang fiancee at dating model na si Yvette Prieto na naging kasintahan nito ng limang taon, ayon sa People.com.

Pinakasalan ng dating NBA star ang 35-gulang na si Prieto sa Palm Beach, Florida nitong Sabado.

Iniulat na may 500 katao ang dumating sakay ng mga tour bus sa Episcopal church na tinatawag na Bethesda-by-the Sea kung saan ikinasal din ang bilyonaryong si Donald Trump kay Melania noong 2005.

Nag-imbita si Jordan ng 1,500 pang katao sa kanilang reception sa Bears Club na isang golf course na idinisenyo ni Jack Nicklaus sa Jupiter, Florida kung saan nagpatayo kamakailan si Jordan ng 38,000-square-foot na bahay.

Naganap ang kasalan sa isang temporary tent na mas malaki pa sa kanyang bahay na may mga banyo rin, dance floor na may sariling lighting effects system.

Ikalawang pagpapakasal ni Jordan matapos hiwalayan si Juanita na kanyang asawa ng 17 taon na tinawag ng Forbes na pinakamahal na divorce. May tatlong anak siya rito, dalawang lalaki at isang babae.

vuukle comment

BEARS CLUB

DONALD TRUMP

IKALAWANG

INIULAT

JACK NICKLAUS

JUANITA

MATAPOS

MELANIA

NAGANAP

PALM BEACH

YVETTE PRIETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with