^

PM Sports

Isa pang forecast

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Sablay ang forecast ko sa naging resulta ng sultada ng Talk ‘N Text-Petron at Ginebra-Rain or Shine sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup. Ang maliit na konsolasyong nahagip ko ay ang kalalabasan ng labanang Alaska-Air21 at San Mig Coffee-Meralco.

Kahit na nabukulan sa naunang prediksyon, muli akong maglalakas-loob magbigay ng aking sapantaha sa kapana-panabik na Final Four kung saan magtatapat ang Alaska at San Mig Coffee gayundin ang Talk ‘N Text at Barangay Ginebra.

 Ang siste ay ‘di madaling basahin ang dalawang serye dahil sa estado ng kalusugan ni James Yap at ang katanungan sa tunay na plano ng Talk ‘N Text sa kanilang kasalukuyang import na si Jerome Jordan.

Matapos ang kanilang panalo sa do-or-die game kontra sa Meralco noong Miyerkules, si Yap mismo ang nagsabi na ‘50-50’ ang tsansa niyang makalaro sa semis.

“Dalawang araw kong pinagtrabahuhan ito,” ani Yap, tinutukoy ang dalawang araw na therapy na pinagdaanan niya upang makalaro sa do-or-die game.

“Masakit talaga (ang likod ko). First time ‘yung ganitong sakit. Dati nag-spasm-spasm lang siya, ngayon di na nag-i-improve,” dagdag pa ni Yap.

Kung ‘di lalaro ang two-time MVP winner sa semis, tingin ko ay matatapos na ng Alaska ang mahabang sadsad (0-8) nila kontra sa kanilang dating coach na si Tim Cone. Toss-up kung makakalaro si Yap.

Sa kabilang serye, iginigiit ni Talk ‘N Text coach Norman Black na patay kung patay na sila kay Jordan. Ngunit sapantaha ko na magpapalit sila ng import bago matapos ang serye. Balitang may back-up import ang Meralco. Malamang na sa Talk ‘N Text ito lumaro kung di papalarin ang mga Texters sa una o dalawang laro ng best-of-five series.

Walang dudang pupukpok ang Ginebra ngunit tingin ko ay lamang ang Talk ‘N Text sa labanang ito.

***

Sasawsaw na rin ako sa NBA playoffs. Gaya ng marami, nakikita kong malaki ang tsansa ng Miami Heat na dumere-derecho sa pangalawang sunod na kampeonato.

Maghahari ang Heat sa Eastern Conference samantalang pukpukang umaatikabo ang magiging labanan sa Western Conference. Fresh na darating ang Heat sa national finals samantalang gutay-gutay na sa pagod ang uusad sa finale mula sa West.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

EASTERN CONFERENCE

FINAL FOUR

JAMES YAP

JEROME JORDAN

MERALCO

MIAMI HEAT

N TEXT

N TEXT-PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with