^

PM Sports

Nakatikim uli ng panalo ang kabayong Yes Yes Yes

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -Muling nakatikim ng panalo ang kabayong Yes Yes Yes  matapos domimahin ang race one na pinaglabanan kagabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Outstanding favorite ang kabayong dala ni Pat Dilema at pinangatawanan ng tambalan ang mataas na ekspektasyon sa kabayo nang magbanderang-tapos ito sa 1,300-metro distansya.

Anim ang naglaban sa unang karera at unang humamon ang Purple Ribbon na sakay ni RR Camanero.

Ngunit bumigay agad ang kabayo matapos lamang ang unang kurbada bago pumalit ang pinaboran ding Headline Chaser  na dala ni Roderick Hipolito.

Galing sa segundo puwesto ang Headline Chaser noong Abril 10 at nakapanakot ang tambalan nang dumikit sa Yes Yes Yes sa huling liko.

Ngunit hindi pa ubos ang kabayong may lahing Accout Of Grace at Belle Epoque para muling kumaripas ng takbo tungo sa tatlong dipang panalo sa meta.

Ang winning time ay 1:20.8 sa kuwartos na 7, 23, 24, 26 para mahigitan ang pang-apat na puwestong tinapos noong Abril 4.

Ito rin ang unang panalo sa buwan ng Abril ng kabayo na huling kuminang ang takbo noon pang Marso 17.

Ang win ay nagpasok ng P8.50 habang ang 6-3 forecast ay mayroong P12.00 dibidendo.

vuukle comment

ABRIL

ACCOUT OF GRACE

BELLE EPOQUE

HEADLINE CHASER

NGUNIT

PAT DILEMA

PURPLE RIBBON

RODERICK HIPOLITO

SANTA ANA PARK

YES YES YES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with