^

PM Sports

3 atleta pararangalan sa closing ceremony ng UAAP

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong atleta na ku­mi­­nang sa kanilang mga events ang makakasama ng La Salle at UST na ta­tanggap ng parangal sa pagsasara 75th UAAP season ngayong hapon sa SM City North Edsa Skydome.

Ang Green Archers ay gumawa ng kasaysayan sa paglahok sa senior division nang angkinin ang kauna-unahang overall championship title mula ng pumasok sa liga noong 1986.

Nakakuha ng 293 pun­tos ang La Salle at winakasan nila ang 14  su­nod na taon na pamama­yagpag ng UST na tu­­mapos sa 277 puntos.

Binalikat naman ang laban ng UST ng kanilang junior team na Tiger Cubs na nanalo muli sa ikapitong sunod na taon.

Kumubra ng 220 puntos ang Tiger Cubs para isantabi ang hamon ng UE na may 216 puntos at ibulsa ng UST ang ika-15 junior title.

Ang mga taekwondo jins ng UST na sina Christian Al dela Cruz at Juan Miguel Ramos at ang softball player ng Adamson na si Michelle Lentija ang hinirang na Athletes of the Year matapos manalo ng ginto sa ka­nilang events.

 

vuukle comment

ANG GREEN ARCHERS

ATHLETES OF THE YEAR

CHRISTIAN AL

CITY NORTH EDSA SKYDOME

JUAN MIGUEL RAMOS

LA SALLE

MICHELLE LENTIJA

SHY

TIGER CUBS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with