^

PM Sports

Silver at bronze sa Team-UAAP Phils. sa ASEAN Uni Games

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pilak at bronze medal lamang ang nakuha ng Pilipinas sa pagpapatuloy kahapon ng 16th ASEAN University Games sa Vientiane, Laos.

Ang National athlete na si Josie Malacad ang nagsalba sa sana’y kawalan ng medalya ng Team UAAP-Philippines nang pumangalawa sa 400m hurdles sa bilis na 1:03.48. Ang ginto ay nakuha ni Nguyen Huyen ng Vietnam sa 1:01.17.

Si Dalyn Carmen ang umani ng bronze medal sa women’s 3000m steeplechase sa 12:10.73 tiyempo.

Ang mahinang performance ay nangyari isang araw matapos ang apat na pilak na kinubra ng lumaban sa pangunguna ni Patrick Unso na gumawa ng bagong Philippine record sa 110m hurdles.

Naorasan ang 18-anyos na si Unso na naglaro sa 2011 Indonesia SEA Games ng 14.49 segundo para tabunan ang dating marka na 14.58 segundo na ginawa sa Indonesia.

Lumaban din kahapon si Unso pero hanggang pang-apat lamang siya sa 400m hurdles sa 54.45 segundo tiyempo.

Napantayan naman ni Janry Ubas ang kanyang personal best na 7.01m marka sa men’s long jump pero pang-anim lamang siya na tumapos sa event.

Ang mga tankers na sina Nikita Decera, Johansen Aguilar at Jasmine Ong ay kinapos at tumapos sa pang-apat sa men’s 800m freestyle at 200-m indivi-dual medley at women’s 800m freestyle.

Nananatili pa rin sa ikaanim na puwesto ang pambansang koponan bitbit ang 2 ginto, 8 pilak at 10  bronze medals pero nalalagay sila sa alanganin sa hamon ng Singapore na may 2 ginto, 3 pilak at 13 bronze medals.

Una pa rin ang Malaysia sa 41-26-39.

 

vuukle comment

ANG NATIONAL

JANRY UBAS

JASMINE ONG

JOHANSEN AGUILAR

JOSIE MALACAD

NGUYEN HUYEN

NIKITA DECERA

PATRICK UNSO

SI DALYN CARMEN

UNIVERSITY GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with