^

True Confessions

Ahas sa Garden (326)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGBAYAD na ng “pauna” si Brenda kay George para sa gagawing pagtumba nito kay Jambo. Pinaligaya niya nang husto si George ng gabing iyon. Busog na busog si Jambo pagkatapos. Parang ahas ito na agad nakatulog.

Napangiti si Brenda. Nakuha agad ni Brenda ang kiliti ni George. Kabisado na agad niya ito at hindi siya mahihirapan na pasunurin ito sa anumang gustuhin niya.

Magiging sunud-sunuran ito sa kanya katulad nang pagsunod sa kanya ni Nath at ni Alexis. Naalala na naman niya si Alexis. Ano kaya ang ginagawa ng gagong iyon sa casino? Siguro’y nagkamali lang siya. Ano naman ang gagawin ni Alexis sa casino e probinsiyano yun na aanga-anga. Hindi naman marunong magsugal at saka saan kukuha ng pangsugal e isang kahig, isang tuka ang buhay. Namalik-mata lang siguro siya dahil nang mga oras na iyon ay desperada siya kung saan kukuha ng ipambibili ng pag­kain.

Ilang gabi rin siyang nag-pokpok para magkaroon ng pambili ng pagkain. Mabuti na lang at nakilala niya itong si George na ginawa siyang courier ng ecstacy at he­roine­. Marami na siyang pera nga­yon.

Nagulat siya nang ta­pikin ni George. Gising pa pala ito.

“Anong iniisip mo Bren?’’

“Ha? A e si Jambo.’’

‘‘Kung hindi mo ako tinawagan e ‘di sana nasa pu­ne­rarya na ‘yun. Ano bang gusto mong mangyari sa kanya, Bren.’’

“Gusto ko nga ako mismo ang tumapos sa hayop. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin. Binugbog niya ako at pinagnakawan. Kung makikita mo ang itsura ko nung bugbugin niya, baka maawa ka sa akin. Kaya nga gusto ko, sa mga kamay ko siya ma­tapos.’’

“Sige. Ikaw ang babanat? Madali lang yun.’’

‘‘Gusto ko kidnapin natin siya. Tapos papatayin ko unti-unti at itapon natin ang bangkay sa bangin.’’

“Okey, madali lang yan. Gusto mo bukas na.’’

“Sige.’’

“Riding-in-tandem tayo. Susundan natin si Jambo at saka natin iba-block. Tu­tutukan natin ng baril at saka natin kikidnapin.’’

“Ganyan ang gusto ko George.’’

Kinabukasan, isinagawa agad nila ang plano.

Riding-in-tandem sila. Inabangan nila si Jambo nang lumabas sa casino.

Sinundan nila ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with