Suklam (64)
“Tama ang ginawa mo, Julio. Katulad din ng ginawa ng tatay ko na inisip ang maaring mangyari kung nagpadala sa galit. Ang anak mo ang magdurusa kung gumawa ng pabigla-biglang hakbang,’’ sabi ni Brent.
“Oo nga Brent. Kung nakapatay ako ng tao, kawawa naman ang anak ko. Sino ang mag-alalaga sa kanya kung makukulong ako. Ang kapatid ko naman ay may mga anak din at hindi siya maaalagaan kung sakali.’’
“Pero okey ka na ngayon, Julio?’’
“Oo, Brent.’’
“Mabuti naman.’’
“Siyanga pala, minsan punta ka sa bahay para dun tayo makapag-inuman. Mas mabuti sa hahay at wala tayong magagambala habang masarap na nagkukuwentuhan.’’
“Sige Julio. Kailan ako pupunta?’’
“Sa Linggo. Tamang-tama, birthday ko. Maghahanda ako.’’
“May bisita pa bang iba?’’
“Wala. Tayo lang.’’
“Sige. Anong oras sa Linggo?’’
“Punta ka na sa umaga. Isama mo erpat mo at kapatid para makilala ko sila.’’
“Sige, sasabihin ko sa kanila.’’
LINGGO. Nagtungo si Brent sa bahay ni Julio. Malaki at maganda ang bahay ni Julio.
“O, nasan si Tatay mo at utol?’’
“May lakad si Tatay. Si Utol naman ay may ginagawang project sa school.’’
“Ah, sayang. Ang sarap pa naman ng pinaluto ko—crispy tahong at hipon.’’
“Hindi masasayang yan, Julio—mahilig ako sa tahong, ha-ha-ha!’’
“Ganun ba? Halika na at kumain na tayo.’’
Napansin ni Brent ang anak ni Julio na nasa tabi nito.
“Talagang dalawa na lang kayo rito?’’
“Oo. Nasasanay na.’’
“Ganyan din kami nun, Julio. Nang tumagal, balewala na.”
(Itutuloy)
- Latest