Nunal(135)
“NAHIHIYA ako Ro-bert. Baka may maka-kita sa atin e kung ano ang isipin,” sabi ni Mahinhin.
“Magkasintahan naman tayo at malapit nang magpakasal kaya hindi na nakakahiya.’’
“Baka iba ang isipin. Alam mo na ang tao.’’
“A basta maliligo ako. Maalinsangan ang panahon,” sabi ni Robert at hinubad ang damit na pang-itaas.
Pinigilan siya ni Mahinhin.
“Saka na lang tayo maligo. Huwag nga-yon.’’
“Maalinsangan nga. Hindi na ako tatagal, Mahinhin.’’
Nag-isip si Mahinhin.
“Sige na nga, maliligo na ako. Pero sandali lang tayo. Kailangang makauwi na tayo dahil nag-iisa si Bighani.’’
“Oo, sandali lang tayo.’’
Tuluyan nang naghubad si Robert.
Walang itinirang saplot.
Pero natitigilan pa si Mahinhin. Atubili.
“O bakit hindi ka pa naghuhubad?”
“Kakahiya, Robert!’’
“Sige na, saglit lang tayo.’’
Napilitang maghubad si Mahinhin. Nagkubli sa malagong puno. Halos walang makita si Robert.
“Halika na. Lumusong na tayo.’’
“Baka ginawin tayo. Malamig siguro ang tubig.’’
“Paano natin malalaman kung narito tayo sa pampang at atubili. Halika na.’’
Sa pagkagulat ni Robert, biglang nagtatakbo si Mahinhin sa direksiyon ng ilog. Walang saplot si Mahinhin. Gaya rin niya na wala ring damit.
Mabilis na sinundan ni Robert si Mahinhin. (Itutuloy)
- Latest