^

True Confessions

Nunal (39)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“’YAN ang bahay ng ba­baing nakita ko sa ilog, Anto. Nakita kong puma­sok siya diyan kahapon,’’ sabi ni Robert.

“Maganda ang bahay ano? Baka abroad ang may-ari niyan.’’

“Kapag nag-abroad ba ay ganyan ang pinagagawang bahay?’’

“Oo. Iba’t iba lang ang design. Kaya makikilala rito sa Maragooc kung sino ang hindi nag-aabroad.’’

‘‘’Yung maliliit ang bahay e hindi abroad ano?’’

“Oo. Tulad ko,’’ sabi ni Anto at pagkaraa’y niyaya na si Robert. “Halika na para makilala na ang babaing sinasabi mo.’’

Lumapit sila sa gate. Nakiramdam.

Maya-maya nagtao po si Anto.

‘‘Tao po. Magandang araw po!’’

Walang sagot mula sa bahay.

Ilang beses pang tumawag si Anto pero wa-lang sumagot.

‘‘Wala yatang tao Robert. Sure ka bang dito nagtungo ang babaing nakita mo sa ilog.’’

“Oo naman. Bago ako umalis dito e sinigurado ko.’’

“Bakit walang sumasagot?’’

“Baka naman may pinuntahan?’’

“Ano maghintay pa tayo?’’

“Oo. Hindi ako makakatulog hangga’t hindi ko nakikita ang babae na sure nang may nunal sa likod ng tuhod.

Naghintay ng ilang oras pa sina Anto at Robert. Pero walang dumating na tao sa bahay.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with