^

True Confessions

Damo sa Pilapil (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“DADALHIN na kita sa doctor, Love.’’

“Huwag. Migraine lang ito. Mawawala rin ito ka­pag nakapagpahinga na ako.’’

“Anong iinumin mong gamot, Love.’’

“Wala. Mawawala rin ito.’’

“Anong gusto mong ka­inin?’’

“Wala akong ganang kumain. Parang nasusuka ako.’’

“Gusto mo mainit na sabaw. Magluluto ako. Wala na kasi si Manang Cion.’’

“Sige, mainit na sabaw, Love.’’

“Maglalaga ako ng hini­may na chicken breast. Kailangang mainit ang mailaman sa sikmura mo.’’

“Sige, Love. Kakahiya sa iyo. Dapat nagpapa­hinga ka na dahil marami kang work sa opisina.’’
“Okey lang Love.’’

“Bumawi ka na lang kapag magaling na ako.’’

“Sige umidlip ka muna at after thirty minutes, luto na ang mainit na soup.’’

“Thanks Love.’’

Lumabas na ng kuwarto si Zac para magluto. Inilabas niya sa freezer ang chicken breast at sanda­ling binabad sa tubig. Hi­nati ito at saka pinakuluan. Nang malambot na, hinimay-himay. Naggayat nang maninipis na carrots. Naggisa ng bawang. Nang mapula na ang bawang ay pinagsama-sama sa ka­wali ang hinimay na chicken breast at carrots. Nilagyan ng tubig. Tinimplahan. Nang kumulo ay tinikman. Hmmm, sarap.

Nang maluto ay naglagay sa mangkok. Dinala sa kanilang bedroom.

“Love gising na. Luto na ang chicken soup,’’ sabi niya at ipinatong sa mesita ang mangkok at kutsara.

Nagmulat si Dulce.

“Susubuan na kita. Teka at iaayos ko ang pagkaka­upo mo.’’

Tinulungan ang asawa na makasandal sa headboard.

“Masarap ang sabaw, Love. Subuan na kita?’’

“Oo.’’

Sinubuan ni Zac.

“Ang sarap, Love. Ma­runong ka palang mag­luto.’’

“Tsamba lang.’’

“Ang sarap talaga! Isa pa nga.’’

Sinubuan uli. Sarap na sarap ang asawa.

Naubos ang isang mang­­kok.

“Aba pinapawisan na ako Love. Mukhang na­pagaling mo ako.’’

“Sige magpahinga ka na uli para tuluyan nang mawala ang sakit.’’

Nagpahinga na uli si Dulce.

Habang natutulog ang asawa ay hawak ni Zac ang palad nito. Pinipisil-pisil.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with