^

True Confessions

Damo sa Pilapil (108)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PERO nagulat talaga si Tanda nang sabihin ko na asawa kita. Napa­nganga talaga siya.’’

“Nakakagulat nga naman talaga, Love. Kasi ang layo ng agwat ng edad natin. Inaasahan kasi niya na ang katulad niyang matanda ang bagay sa akin.’’

“Hindi niya akalain na ang isang tulad ko ang makakasungkit sa magandang babae na noon pa niya pinaglalawayan, ha-ha-ha!’’

Kinurot ni Dulce sa tagiliran si Zac. Pero na­tutuwa siya sa mga sinabi ni Zac kay Bogs. Asar kasi siya sa Bogs na iyon na kaya pala may interes sa kanya ay dahil gustong maging presidente ng kompanya. May hidden agenda pala ang walanghiya kaya ganun na lamang ang pagpipilit na magustuhan niya. Hindi naman siya tanga para hindi makahalata. Mabuti na lang at si Zac ang nakatuluyan niya. Ma­ligaya siya sa piling ni Zac na walang halong kasakiman ang pagmamahal sa kanya.

“Hindi talaga siya ma­kapaniwala, Love nang sabihin kong asawa kita,” sabi uli ni Zac na hindi malimutan ang nangyari kanina.

“Talaga bang proud na proud ka na naging wife mo ako, Love?’’

“Oo naman. Higit pa sa proud.’’

Niyakap ni Zac si Dulce. Hinalikan sa labi.

“I love you!’’

“I love you too, Zac.’’

“Hindi ako magba­bago kahit kailan, Love. Ikaw lang ang mamahalin ko.’’

Hinalikan niya uli sa labi ang asawa.

ISANG hapon na dumating sa bahay si Zac, naratnan niyang naka­higa si Dulce. Mahina ang katawan.

“Anong nararamdaman mo Love? Maysakit ka?’’

“Ang sakit na naman ng ulo ko…’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with