'Chapter closed': Kathryn Bernardo kinumpirma hiwalayan kay Daniel Padilla
MANILA, Philippines (Updated 7:45 p.m.) — Kinumpirma na ng aktres na si Kathryn Bernardo ang pakikipaghiwalay sa aktor dating nobyong si Daniel Padilla matapos ang 11-taon nilang relasyon.
Ilang araw nang usap-usapan ang naturang balita matapos lumabas ang ugong-ugong na split na ang sikat na long-time celebrity couple.
"Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward," wika ni Kathryn sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes.
"I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding."
Sa kabila nito, inilinaw naman niyang totoo ang kanilang naging relasyon at hindi lang basta para sa kamera at pera. Umabot na kasi ng 12 taon ang kanilang love team.
Aniya, sabay silang lumaki at nangarap nang magkasama. Si Padilla rin daw ang una niyang nobyo at hindi naman daw mawawala ang pagmamahal niya.
"I'm well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It's true that Deej and I have decided to part ways," dagdag pa niya.
"Like any other relationship, we tried our best to make it work. We've been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can't go back to where we used to be... Our love story began with respect and ended with respect."
Sa kabila nito, pinasalamatan pa rin niya si "Deej" para sa 11 masasayang taon.
Una nang naibalitang in-unfollow nina Robi Domingo at Cathy Garcia-Molina si Padilla matapos lumabas ang tsismis na nagtaksil daw ang nabanggit kasama ang aktres na si Andrea Brillantes. Itinanggi ito nina Domingo at Garcia-Molina.
- Latest