_ngayon
^
Alice, Assunta, Janella, makulay ang pagiging nanay!
Alice
STAR/ File

Alice, Assunta, Janella, makulay ang pagiging nanay!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Ex sexy star nanay na rin daw, hinihintay umamin

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga nanay, madir, mommy, basta sa lahat ng mga ina at proud na meron silang anak.

Meron daw kasing mga ina na itinatago na mayroon na silang baby.

At kasama diumano rito ang isang dating sexy star na may ibang propesyon nang pinagkakaabalahan.

Bagama’t walang kumpirmasyon kung totoo ngang nabuntis siya at nanganak, mas mabuti pa rin umanong lumantad siya at magpakita para magkaalaman na ang katotohan.

Hindi na rin naman kasi siya bata para ilihim kung may anak nga siya o wala.

Bakit nga ba hindi niya tularan si Alice Dixson na proud na isa na siyang ina sa edad na 51.

Kahapon ay nasa Eat Bulaga si Alice na nagka-baby sa pamamagitan ng surrogacy method.

First time nitong magdiriwang ng Mother’s Day kaya naman masaya ito.

At doon na niya sa Eat Bulaga kinumpirmang girl ang baby niya. “Babae po ang anak ko. Her name is Aura,” banggit niya for the first time.

Lagi lang kasi niyang tinatawag na Baby A ito.

“It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier. And I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier. Pero ito na siya dumating na siya this year when I just turned 51. I’m gonna be turning 52 this coming July,” kuwento niya pa sa mga host ng EB kahapon na si Paolo Ballesteros  and Ryan Agoncillo virtually.

Nang tanungin naman ang aktres kung kumusta ang maging isang nanay?

Wala naman daw siyang comparison since first time nga niyang magkaanak. “Mahirap ‘yung puyat, mahirap ‘yung adjustments sa pagpapakain ng baby,  saka sa totoo lang, hanggang ngayon wala pa rin akong yaya so, it’s all me.”

Kahit daw paglabas nito ng hospital ay nag-iisa rin siya dahil sa travel restrictions. “Ako ‘yung nag-asikaso ng passport niya, ako ‘yung nag-asikaso ng visa niya, ako ‘yung nag-asikaso ng pagpapakain sa kanya. Kumbaga I didn’t have a driver, a maid, a nanny, anything. It was all me for the first and a half so, ang hirap,” chika pa nito.

Pero hindi raw siya nagko-complain at masaya sa ginagawa niya kahit puyat na puyat pa.

Kasalukuyan silang naka-quarantine ng anak sa isang hotel sa Makati na ­dumating sa bansa days ago.

First time mom din si Assunta de Rossi. Pero sulit naman daw kahit na nga puyat na puyat siya sa ‘miracle baby’ nila ni former Cong. Jules Ledesma na si Fiore. Almost 19 years ang hinintay nila ng mister bago siya nabuntis.

Sa isang post niya days ago sinabi ni Assunta na “25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood. I’m awake 14-15 hours during the day, and the rest I wake up every 1-3 hours for feeding or resettling. Very exhausting, but I’ll get through this. Baby is healthy and happy, and that’s all that matters.” Napa-comment si Dawn Zulueta sa nasabing post ni Assunta ng “oh yes, I remember how exhaustion brought me to tears! Hang in there.”

Ex congressmen ang mister nina Assunta and Dawn - Jules and Anton Lagdameo.

First time mom din si Janella Salvador sa baby nila ni Markus Paterson na si Jude.

Hindi agad naging open sila Markus and Janella sa kanilang baby na ipinanganak sa London.

Pero ngayon ay may sariling social media account na ang baby.

Anyway, tatlo lang sila sa first time moms na naging exciting ang pinagdaanan bago na-enjoy ang pagiging ina.

ASSUNTA JANELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with