^
Julia, maraming isinuko para kay Coco?!
Julia
STAR/ File

Julia, maraming isinuko para kay Coco?!

ISYU AT BANAT! - Edd de Leon (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

Isa pang mabilis na binigyan ng kahulugan, ang pag-like lamang naman ni Dimples Romana doon sa isang comment na nagsasabing masuwerte si Coco Martin kay Julia Montes. Si Dimples ay kilalang kaibigan naman ng dalawang stars, kaya ang kanyang pag-like at pag-ayon sa ganoong comment ay iniisip ng mga taong kumpirmasyon na nga ng relasyon nina Coco at Julia.

Nitong mga nakaraang araw, parang unti-unti na nga ring nag-o-open si Julia tungkol kay Coco, bagama’t hindi pa diretsahan ang pag-amin na mayroon silang relasyon. Kung natatandaan ninyo, ang tsismis noong araw bago ang misteryosong pagbabakasyong bigla ni Julia sa kabila ng pag-angat na ng career niya noon ay nabuntis daw siya at nanganak, na ang itinuturong tatay ay si Coco, pero wala naman talagang napatunayan noon at nanahimik din ang mga nagsasabing kaya nilang panindigan ang kuwento nila.

Pero totoo naman, kung may relasyon nga silang dalawa, masasabing suwerte na talaga si Coco kay Julia, kasi kung totoo ngang lahat ang usapan, tinalikuran ni Julia ang lahat sa sarili niya para kay Coco.

May problema...

Walang anumang sinasabing opisyal, puro lang sila sapantaha ng ibang tao, pero kung kami ang tatanungin wala kaming nakikitang dahilan para isipin nila na hiwalay na nga sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Maaaring may problema lamang sila sa kanilang pagsasama, at sino ba namang mag-asawa ang hindi nagkakagalit paminsan-minsan? Pero siguro naman hindi sila hiwalay.

Ang basehan lang naman ng mga may duda ay iyon daw posts ni Kylie noong mga nakaraang araw. Sinasabi rin nilang may posts siya na hindi nakasuot ang kanyang wedding ring. Tapos wala na raw picture si Aljur sa kanyang social media account.

Sa palagay namin mababaw na basehan iyan para sabihing hiwalay na ang mag-asawa. Sana kung masasabing mas may mabigat na dahilan.

Kung may mga ganyang pangyayari, palagay ba ninyo wala kayong maririnig mula kay Robin Padilla? Masyadong concerned si Robin sa kanyang mga anak at ang ganyan kalaking issue ay tiyak na hindi makakalampas sa kanya.

Gusto naming isipin na siguro nga nagkagalit lamang ang dalawa pero isang araw ay magkakasundo rin naman sila. Nakita naman natin kung ano ang kailangan nilang i-give up para sa kanilang pagmamahalan.

Si Kylie, noong panahong sinasabing papataas na talaga ang kanyang career ay tila tinalikuran ang pagkakataon dahil kay Aljur. Si Aljur din naman ay may mga pagkakataong inuna si Kylie.

Sa simula, maraming tutol sa kanilang relasyon, pero ang mga tutol sa kanila noon ay umayon na rin dahil nakita nga ang pagmamahalan nila na matindi rin naman.

Sana nga kung ano man ang problema, kung mayroon man, ay magkalinawan na sila.

After all sa ngayon ay hindi lamang naman ang sarili nilang damdamin ang kailangan nilang isipin, kundi ganoon din ang kinabukasan ng dalawa nilang anak.

Hindi maikakaila, maski na sa mga pag-aaral, na ang mga batang nagkahiwalay ang mga magulang ay naaapektuhan maging ang kaisipan. Huwag naman sanang mangyari iyon.

Bading na ‘di napagbigyan na ipakilala sa poging male star, pinag-initan ng bossing

Tawa kami nang tawa sa kuwentong narinig namin, pinag-initan daw ng boss niyang bading ang isang employee matapos na makita noon ang picture ng employee na kasama ang isang matinee idol. Pinipilit daw siya ng boss niyang bading na ipakilala rin siya sa poging male star, nang hindi niya magawa iyon dahil hindi naman siya talaga close sa male star, at nagkataong nakapagpakuha lang sila ng picture ay nagsimula na siyang pag-initan ng boss niya.

Nagtatanong siya, hindi raw kaya dapat na ireklamo niya sa DOLE ang kanyang boss na bading?

Aba kung gagawin niya iyan kailangang gawin na niya agad dahil oras na makalusot ang SOGIE law na hinihingi ng mga bading, hindi na niya puwedeng ireklamo ang boss niya.

Reklamo na dali!

JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with