Liza kinasuhan ang ânagbantaâ ng rape!
Liza
STAR/ File
Liza kinasuhan ang ‘nagbanta’ ng rape!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

Naunahan si Sharon para kay Frankie...

Pagkatapos ni former Miss Universe Catriona Gray, si Liza Soberano naman ang nag-demanda kahapon.

Hindi nga pinalampas ni Liza ang ‘rape statement’ ng isang telecommunications employee na nagsabing ”wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga….. ewan!”

Konektado ito sa naging problema ng Kapamilya actress sa kanyang internet connection.

Nag-viral ang nasabing post ng telco employee at sumagot si Liza ng “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address,” na obviously ay ginamit ang pagiging employee niya ng telco.

Nag-sorry ang nasabing empleyado ng internet provider na inire-reklamo ng actress at nangatuwirang wala ‘yung malisya at nagsabing hindi maganda at karapat-dapat na biro ang salitang rape.’

Pero tinuluyan pa rin siya ni Liza. Kahapon, kasama ang kanyang ma-nager na si Ogie Diaz at legal counsel na si Atty. Jun Lim, nagsampa siya criminal complaint (RA 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012) sa Quezon City. “ I was really upset, because the fact that it’s a rape joke it’s not something that should be taken lightly, and the fact that she’s a woman, I would never in a million years do a joke like that,” pahayag ni Liza sa ABS-CBN.com.

“I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything like rape jokes.”

Naunahan na ni Liza si Sharon Cuneta na nagbanta last June ng demanda nang bastusin ang anak niyang si Frankie.

Maaalalang sobra ang galit ni ate Shawie sa isang netizen na nagngangalang Sonny Alcos matapos itong mag-shout out na deleted na ngayon ng “pasalamat ka iha kung ang edad ko 12 years. Magtago ka na sa sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong.”

Hindi ito pinalampas ni Sharon at naglabas ng matinding galit sa social media. Nagbanta rin siya ng demanda at nakipag-usap sa DOJ. Sinabi noon ng DOJ na posibleng parusan ng 12 taon ang nagsabing manggagahasa sa anak nina Senador Francis at Sharon.

Si Catriona naman ay libel and cyber libel ang ikinaso sa mga nagkalat diumano ng kanyang fake nude photos.

Ahhh sino kaya ang susunod na magdedemanda?

Sana nga ay mag-ingat na ang mga feeling entitled sa social media na akala mo talagang authority sila pag naka-comment sa mga social media account ng mga pina-follow nila.

Bad joke ang rape at iba pang issue na makaka-apekto sa mental health related problems ngayong panahon ng pandemya.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with