Sharon at Gabby

Sharon at Gabby bumenta uli ang drama!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

Nagkakataon lang ba o may pinanggaga­lingan na parehong nagpu-post ng kape sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? Napapansin na ang paulit-ulit na pagpu-post ng dalawa ng kape at feeling ng netizens ay may bago silang endorsement. O baka naman kape ng McDo­nald’s ang next nilang ie-endorse?

Samantala, ang galing ni Gabby na mag-promote dahil ‘yung post niya ng kape, nabanggit sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon at ang daytime program nilang Ika-6 Na Utos  na sa March 17 na magtatapos.

Albert gustong pakinabangan ang pagiging senior citizen

Parang si Albert Martinez ang totoong Primetime King ng ABS-CBN dahil mula nang mapunta siya sa Kapamilya Network (2006) hanggang ngayon ay tuluy-tuloy ang kanyang show. Minsan nga, nagkakasabay ang mga soap ng aktor na meron sa umaga at sa gabi.

Muntik pang mag-overlap ang appearance niya sa The Good Son at Bagani, mabuti at pinatay na ang karak­ter niya sa Bagani bilang si Agos dahil babalik ang karakter niyang si Victor Buenavidez sa The Good Son sa flashback scenes.

Kailangan lang tapusin na ang mga eksena ni Albert sa The Good Son dahil sa April 3, lilipad siya kasama ng mga anak na sina Alfonso at Alissa para dalawin ang first apo niyang si Adalyn Riley na anak ng kanyang anak na si Alyanna Martinez at asawa nitong si Roy Macam.

Excited na ring maging senior citizen si Albert dahil sa discount na makukuha niya sa pagbili ng gamot, grocery, at libreng panonood ng sine. 

Bukod sa teleserye, gumagawa rin siya ng pelikula at kasama siya sa trilogy movie ng Imus Productions sa 72 Hours episode nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Rhian Ramos sa direction ni Dondon Santos.

Anna Luna pambansang best friend na

Pagdating sa acting, may lamang na agad sa mga kasama niya sa 2018 Star Magic Circle si Anna Luna. Siya ang “aktres” sa grupo dahil nagsimula siya sa Philippine Educational Theater Association (PETA). Nakagawa na siya ng indie films at nanalo pang Best Actress sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela para sa pelikulang Maestra.

Umani rin siya ng papuri sa Changing Partners at dito siya nakita ni Mr. Johnny Manahan at pinapirma sa Star Magic. Isa sa dream ni Anna ang magbida sa episode ng Maalaala Mo Kaya.

Napanood din si Anna sa mga pelikulang The Breakup Play­list, How To Be Yours, at Dear Other Self bilang best friend ng lead actress. Kaya siya na ang Bagong Pambansang Best friend.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with