‘Humihingi ako ng tawad’ Nora aminado sa kasalanan!
Isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ang mapapanood bukas ng gabi dahil ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ang bida dito.
Masayang-masaya ang aktres dahil muli siyang mapapanood sa Kapamilya network makalipas ang maraming taon. “Masayang-masaya po. Hindi ako nagdalawang isip dahil gaya nga ng sinabi ko, matagal na rin akong gustong makalabas doon sa MMK, dito sa Dos,” nakangiting pahayag ni Ate Guy.
May bulung-bulungan na tuluy-tuloy na diumano ang pagbabalik ng aktres sa ABS-CBN. “Tingnan po natin kung ano ang ibibigay ng Diyos. Open lang ako sa lahat,” giit ng Superstar.
Aminado si Ate Guy na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng dating President at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio at ang big boss ng Star Cinema na si Malou Santos. “Alam kong may mga sinabi akong hindi maganda kay Ma’am Charo at saka kay Ms. Malou. Siguro dahil lang sa nagtampo rin ako, pero malaki ‘yung naging kasalanan ko dahil madaldal ako eh. Hindi ko ikinatatakot ‘yon. Inaamin ko at kaya humingi ako ng tawad,” pagbabahagi niya.
Sa susunod na buwan ay pupunta si Ate Guy sa Amerika upang magpaopera ng kanyang lalamunan. Gusto raw kasi ng Superstar na manumbalik ang dating boses para sa kanyang mga tagahanga. “Gusto kong matuloy this time ang pangako ko sa sarili ko at sa fans. Kasi gusto ko na ring mag-concert talaga,” nakangiting pagtatapos ni Ate Guy.
Sharon hurt sa nangyari kay Zsa Zsa
Masayang-masaya si Sharon Cuneta dahil magiging bahagi na siya ng The Voice Kids Season 3.
Ang Megastar ang papalit kay Sarah Geronimo bilang voice coach sa nasabing programa. “Sobrang excited ako. I will be part of The Voice Kids with of course Bamboo and Lea Salonga,” bungad ni Sharon.
Nitong mga nagdaang buwan ay hindi na aktibo ang aktres sa kanyang Facebook account kaya ipinagtaka ito ng mga tagahanga. “To all my supporters and fans, my Sharonians whom I love very much, alam kong ang tagal kong nawala sa Facebook. Sadya po ‘yon, I have been hibernating. I’ve been hiding because I have been working on myself para i-surprise kayo. Hindi pa ako tapos but I have lost a lot of weight, preparing for something really big,” paliwanag ng Megastar.
Samantala, pinag-uusapan din ngayon ang paghihiwalay nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao. Matatandaang si Sharon ang nagpakilala sa dalawa noong 2014 kaya ikinalungkot din ng Megastar ang balita. “You have to respect and give her space, if it’s something that ended. You have to let her grieve. I am hurt for Zsa Zsa since she has been my friend for 20 more years, also Conrad who’s also a friend. But you know they had a good relationship and Zsa Zsa is a decent woman,” pahayag ni Sharon.
- Latest