_ngayon
^

PSN Showbiz

‘Di tuloy nakapahinga... Female TV celeb nang-abala sa shooting ng AlDub!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ini-launch kamakalawa ng gabi sa CCP ang Tagalog version ng libro ni Noel Ferrer na Sisikat Din Ako.

Ginawang mala-Wattpad ang style ng Tagalog version na may pamagat na Mag-Artista Ka, at ang sikat na tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ang nasa cover. Kaya inaasahang mas mabenta ito sa mga kabataang gustong mag-artista dahil nasa wikang Pilipino at AlDub ang nasa cover.

PAK: Sa December 19 na ang Final Judgment ng Starstruck 6, kaya sa Biyernes ay ia-announce na ang Final Four na maglalaban kung saan mag-e-emerge ang Ultimate Male andFemale Survivor.

Si Megan Young ang nanghihinayang sa araw na ito dahil hindi siya makakasama sa pag-announce ng dalawang winners.

Host si Megan sa Ms. World 2015 na gagawin sa Sanya, China.

Ang buong akala namin pagkatapos ng Pasko pa ang Finals ng Starstruck, pero bakit ito napaaga?

BOOM: Ilan sa mga kaibigang nasa set ng last shooting day ng My Bebe Love ang nagkuwento sa amin kung paano raw nakaabala itong si female TV celebrity sa kanilang shooting.

May dala raw itong mga kaibigan sa set na ipinakilala niya sa mga artistang nandun.

Fans daw sila ng AlDub kaya pina-picture niya ito kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Okay lang daw kung sandali siya roon pero nagbabad ito kaya sa halip na magpahinga ang mga artista in between takes, kailangan nila itong harapin para tsikahin siya at magpa-picture sa mga kaibigan niya.

May sakit pa si Alden nung araw na iyun, pero wala siyang magawa dahil hindi naman niya puwedeng isnabin ang mga ito lalo na’t idineklara na niya ang sarili na siya raw si Ninang Dub ng AlDub.

Pero okay na rin daw ‘yun, dahil tutulong naman siya sa pag-promote at todo ang suporta sa My Bebe Love para mag-number one ito sa box-office. Ngayon pa lang nga ay nanghihingi na siya ng tickets sa produ.

 

ALDEN RICHARDS ANG FINAL FOUR FINAL JUDGMENT ITO MAG-ARTISTA KA MAINE MENDOZA MEGAN YOUNG MGA MY BEBE LOVE NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with