^

PSN Showbiz

Higit pa sa P62M ang budget ng 'Mulawin'

ABOUT SHOBIZ - Nitz Miralles -
Malaki ang posibilidad na sina Aga Muhlach at Kristine Hermosa ang tanghaling Box Office King and Queen ng Philippine Movies next year dahil sa laki nang kinita ng All My Life. Kung hanggang matapos ang taon ay walang makatalo sa kinita ng kanilang pelikula na P175 million, sila na ngang dalawa ang may karapatang bigyan ng title at korona.

Malaking bagay kay Kristine ang tanghaling reyna ng takilya’t bukod sa acting award, ito ang tina-target ng lahat ng artista. Ang iba pa nga’y mas importante ang kumita ang pelikula kesa magka-award.

Inalam pala namin sa ABS-CBN kung ano ang susunod na project ng actress dahil nagtatanong ang kanyang fans. Wala pang definite plan pero, may nilulutong bagong soap para sa actress at may gagawin din itong bagong pelikula sa Star Cinema.

Habang hinihintay ang bagong project sa movies at TV, magiging busy muna si Kristine sa mga show abroad para sa TFC. A-attend din ito sa premiere showing ng All My Life kapag ipinalabas sa ibang bansa. Huwag lang daw mag-apura ang fans ni Kristine dahil magagandang pelikula’t teleserye ang ibibigay sa kanya.
* * *
May swimming pool pala ang ipinapatayong bahay nina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa La Vista, Quezon City. Nalaman namin ang tungkol dito nang manood kami ng Lagot Ka… Isusumbong Kita . Tinutukso ni Joey Marquez si Raymart na kailangang magtrabaho ng husto dahil mahal ang magpagawa ng swimming pool. Ngiti lang ang reaction ni Raymart at hindi na sinasagot si Joey.

Ayon sa nabasa namin, by October this year, tapos na ang bahay pero, year 2006 pa puwedeng magpakasal ang dalawa’t pauunahin nilang magpakasal ang ate ni Claudine.

Siguro naman, by the time na magpakasal sina Claudine at Raymart ay kabati na nina Claudine at Marjorie ang kaaway nila ngayong kapatid na si Gretchen Barretto. Malaking kakulangan ‘pag wala si Gretchen sa kasal ng dalawa, ‘no! Sabagay, sabi naman ni Gretchen sa interview sa kanya ni Richard Gomez mamaya sa S Files, gusto niyang maayos na ang problema ng kanilang pamilya.

Hindi kami sanay na magkakaaway ang Barretto sisters dahil tumatak sa isip namin ang kanilang pagkakaisa at pagdadamayan noong nagalit ang Yan family kay Claudine nang mamatay si Rico Yan. Napaka-ironic namang kung kailan nakabati na ni Claudine ang pamilya ni Rico’y sila naman ni Gretchen ang may conflict.
* * *
Ang Mulawin na yata ang pinakamagastos na serye ng GMA-7. Ang unang kwento sa amin ay aabot sa P62 million ang budget nito sa three months (one season) na itatakbo nito. Pero, kinorek kami ng isang insider, baka madagdagan pa raw ang magagastos sa mga susunod na taping dahil pinagaganda ito ng husto ng network at ng mga director na sina Dominic Zapata at Lore Reyes.

Isa rin ito sa may pinakamaraming cast at kabilang dito sina Ara Mina, Romnick Sarmenta, Angel Locsin, Dennis Trillo, Zoren Legaspi, Gary Estrada, Karen delos Reyes, Bearwin Meily, Bianca King at Eddie Gutierrez. Curious kaming malaman kung nag-uusap ba sa taping sina Ara at Zoren. War kasi sina Ara at Carmina, ‘di ba?

Na-shock nga kami dahil ‘yung wings na ginagamit ni Richard Gutierrez ay worth P100,000 daw ang isa, eh, dalawa ang ginagamit niyang wings, ang ibig sabihin, sa pakpak palang ay gumastos na ng P200,000 ang istasyon. Paano pa ang costumes ng ibang cast?

Hirap si Richard sa three times a week na taping ng fantaserye’t sa San Miguel, Bulacan pa ginagawa. Nawalan siya ng night life dahil maaga siyang natutulog para makagising ng 4:00 a.m. at hindi ma-late sa 7:00 a.m. call time.

Sa August 2 at hindi pala Aug. 13, gaya nang una naming naisulat ang start ng airing ng unang fantaserye ng Ch. 7. Habang tina-type namin ito’y hindi pa nai-announce kung ano ang time slot nito’t kung anong show ang papalitan.
* * *
Kami ang naaalarma sa nangyayari sa lovelife ng isang actor-politician. Napapansin namin lately na nagiging sobra ang pagka-babaero nito’t ang bilis magpalit ng babae. Mabuti kung wala siyang mga anak na nasasaktan.

Ang nakakatakot pa’y ang latest na nali-link sa aming tinutukoy ay alam naming may asawa’t mga anak din. Wala kaming nabalitaang nakipag-hiwalay ang babae sa kanyang asawa o baka naman hindi lang nabalita.

Nakikita sa public places ang actor-politician at ang bagong nali-link sa kanya kaya, hindi maiwasang sila’y pag-usapan. Nang tanungin namin ang isang taong malapit sa actor-politician tungkol sa tsismis, nagulat pa ito’t saan daw lumabas? Hindi kami sumagot dahil feeling namin, nagkukunwari lang itong walang alam.

Sa blind item pa nasusulat ang madalas na pagsasama ng actor-politician at ang bagong nali-link sa kanya pero, sigurado kaming isa sa mga araw na ito’y papangalanan na sila. Malaking iskandalo ito ‘pag nagkataon.

vuukle comment

ALL MY LIFE

CLAUDINE

DAHIL

GRETCHEN

KRISTINE

MALAKING

NAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with