^

DPWH official, driver tinambangan

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang babaeng opis­yal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at driver nito ang himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos na tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem pagsapit sa highway ng Sta. Barbara sa Iloilo kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Engineer Eva Bedonia, hepe ng Quality Assurance ng DPWH-Iloilo 4th District Engineering Office at drayber na si Rogelio Serilo Jr.

Batay sa imbestigas­yon ng Sta. Barbara Police, dakong ala-7 ng umaga habang papasok na sa opisina sina Bedonia at Serilo nang biglang pagbabarilin ang kanilang pickup na sasakyan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Limang bala ng baril ang tumama sa passenger side ng pickup kung saan nakaupo si Bedonia.

Lumilitaw pa na posib­leng si Bedonia ang target sa ambush subalit sumab­lay ang mga suspek. Inaalam naman ng mga awtoridad ang motibo sa tangkang pagpatay sa opisyal ng DPWH.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with