Apat timbog sa P47 milying shabu
BATANGAS , Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang apat na katao sa isang drug buy-bust operation at nasamsam ang pitong kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P47-milyon,kamakalawa ng umaga sa Sto. Tomas City ng lalawigang ito.
Kinilala ni Batangas Police Provincial Director PCol Rex Arvin T. Malimban ang mga suspek na sina Joey Liro Mordes; Lanze Ravenn Esquivel; Angelo Baynas Morales; at John Paul Villanueva Muyco.
Sa ulat, naaresto ang mga suspek, alas-10:20 ng umaga ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isang parking lot sa kahabaan ng Pan Pacific Highway sa Sto.Tomas at narekober ang pitong kilo ng shabu, isang 500 peso billl at mga boodle money at isang Mitsubishi Mirage.
Nakatakdang sampahan ang apat ng kasong paglabag sa Sec. 5, Article 2 of Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest