2 sabungerong Marines arestado
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bagsak kalaboso ang dalawang corporal ng Philippine Marines matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagsusugal sa loob ng sabungan sa Brgy. Pe­ngue Ruyu sa lungsod na ito noong Biyernes.

Kinilala ni City Chief of Police Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tugue­garao City Police ang mga naaresto na sina Jey-Pherson Calagui, 30, nakatalaga sa Department of Foreign Affairs Office sa Manila at John Lerry Barsabal, kasapi ng Marine Landing Battalion sa Maguindanao.

Ayon kay Cablarda, ang pagdakip sa dalawang sundalo ay alinsunod sa polisiya ng Internal Cleansing ng pulisya at militar na ipinatutupad ng administrasyong Duterte sa pagbabawal sa mga alagad ng batas na mahumaling sa mga pasugalan at bahay-aliwan.

Bagama’t may permit to carry firearms na ipinakita si Calagui sa mga arres­ting officers ay kinuha pa rin ang kanyang cal.45 baril dahil walang bisa ang mga naturang pahintulot kapag ipinasok sa pasugalan gaya ng sabungan.

PHILIPPINE MARINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with