2 magkaanak kinatay
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —Dalawang magkaanak ang natagpuang kinatay habang agaw buhay na isinugod sa pagamutan ang isa pa matapos silang pagtatagain ng hindi pa matukoy na  salarin sa loob ng kanilang kubo sa Brgy. Besalan, Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakalawa. 

Ayon sa Pulisya, pinaniniwalaang himbing sa kanilang pagtulog sa kani-kanilang duyan sina Loreto Carbonel 46; Johnwin Carbonel, 13; at Jerome Domingo, 29, nang pagtatagain ng suspek bago nadiskubreng duguan ng isa pang kaanak na si Leo Carbonel, dakong alas-6:30 ng umaga. 
Kapwa patay na ang nakatatandang Carbonel at si Domingo habang may pulso pa si Johnwin na isinugod sa Ilocos Training Center and Medical Center sa San Fernando, La Union, dagdag ng report.

Tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ang  personal na alitan bilang motibo sa krimen. 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with