Nene tinangay ng agos, lunod
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 9-anyos na batang babae matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog habang naliligo kasama ang dalawa pang bata sa Bicol River sa Sitio Pagdaicun, Brgy. Mabulo, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Rebecca Diaz, residente ng nasabing barangay habang masuwerteng nakaligtas ang ‘di na binanggit ang pangalan ng dalawa nitong kalaro. Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga habang naglalaro at naliligo sa ilog ang biktima at dalawang kalarong bata nang tangayin sila ng malakas na agos ng tubig.
Agad silang sinaklolohan ng mga residente pero hindi na nailigtas si Rebecca na mabilis na nilamon ng ilog. Sa search and rescue operation, nakita ang bangkay ng bata na palutang-lutang sa ilog na sakop ng Zone 7, Brgy. Malbong sa katabing bayan ng Gainza.
- Latest