2 opisyal ng barangay umareglo ng tulak, sakote
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines - Arestado ang dalawang opisyal ng barangay matapos na tangkaing suhulan ang chief of police sa bayan ng Silang sa Cavite kaugnay sa nasakoteng drug pusher noong Biyernes.
Kinilala ni P/Chief Insp. Lory Tarrazona ang mga suspek na sina Chairman Remigio Beberino ng Barangay Paliparan, Dasmariñas City, Cavite; at Luis Sarimos, barangay justice officer. Ayon kay Tarrazona, nagpakita sa kanyang tanggapan sina Chairman Beberino at Sarimos para aregluhin ang kaso ng kaanak nitong si Edgardo.
Nabatid na nasakote sa buy-bust operation ang suspek na si Edgardo Sarimos na sinasabing kaanak ni Chairman Beberino noong Biyernes (Mayo 26) sa Barangay Paliparan.
Sa halagang P.2 milyon, hiniling ng mga suspek kay Tarrazona na ibaba ang kaso mula drug pushing sa drug user.
Kaagad namang dinakip ang dalawang barangay official habang nasa aktong nag-aabot ng P.1 milyon cash kay Tarrazona.
Mahaharap sa kasong bribery ang dalawang suspek.
- Latest